^

Metro

3 kawani ng MWSS tiklo sa pagbubungkal ng kalsada

-
Tatlong kawani ng Manila Water Works and Sewerage System (MWSS) ang inaresto matapos bungkalin ng mga ito ang bagong gawang kalsada ng walang kaukulang permiso mula sa pamahalaang lokal ng Navotas, kamakalawa ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Supt. Roberto Villanueva ng Navotas Police, dakong alas 11:30 ng gabi ng makatanggap siya ng tawag sa telepono at inirereklamo ang pagbubungkal ng kalsada sa tapat ng simbahan ng Iglesia Ni Cristo na nasa kahabaan ng M. Naval st., San Jose nasabing bayan.

Nang rumesponde ang mga tauhan ng Navotas Police ay naaktuhan nila ang mga suspek na sina Armando Suliano, 36; Nestor Faustino, 42, at Alfredo Mallari, 42, na nagbubungkal.

Nang hanapan ng permit, mula sa munisipyo ay walang maipakita ang tatlo kahit isang papeles at sinabing may aayusin lamang silang sirang tubo sa nasabing lugar.

Nakakulong ang tatlo at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Municipal Ordinance 142 o illegal excavation. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALFREDO MALLARI

ARMANDO SULIANO

GEMMA AMARGO

IGLESIA NI CRISTO

MANILA WATER WORKS AND SEWERAGE SYSTEM

MUNICIPAL ORDINANCE

NANG

NAVOTAS POLICE

NESTOR FAUSTINO

ROBERTO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with