3 katao timbog sa drug bust
February 1, 2001 | 12:00am
Isang umanoy big-time dealer ng shabu at isang mag-asawa ang inaresto ng mga operatiba ng Western Police District (WPD) makaraang nakumpiskahan ng isang kilo ng nasabing ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa isinagawang raid at buy-bust operation ng pulisya, kahapon sa kanilang hide-out sa Malate, Maynila.
Iprisinta kahapon ni Station 9 Commander Supt. Amador Pabustan kay Manila Mayor Lito Atienza ang mga suspek na nakilalang sina Joselito Gomez, 49, ng #630 San Andres st., Malate at ang mag-asawang Ariel, 31, at Aida Bansao, 30.
Si Gomez ay pinaniniwalaang siyang nagbabagsak ng shabu sa naturang lugar na may conncetions sa sindikato sa Muslim Center sa Quiapo.
Bandang alas-9 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ni Pabustan ang tahanan ng mga suspek kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer. Habang inaabot ang isang kilo na shabu sa naturang poseur-buyer ay agad na dinampot si Gomez.
Naaktuhan naman umano ng mga pulis ang mag-asawang humihithit ng shabu nang isagawa ang raid. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended