Pagtataas ng matrikula hiling ikonsulta sa mga magulang
January 31, 2001 | 12:00am
Isang resolusyon na nag-uutos sa lahat ng mga paaralan sa lungsod ng Maynila na magkaroon muna ng konsultasyon ang bawat magulang at paaralan sa gagawing pagtataas ng matrikula bago ipatupad ito ang inihain ni 6th District Councilor Lou Veloso kahapon.
Ayon kay Veloso, katungkulang isulong at pangalagaan ng estado ang karapatan ng mamamayan para sa de kalibreng edukasyon pero dapat munang konsultahin ang mga magulang ng mga estudyante sa usaping may kinalaman sa tuition fee hike at hindi basta-basta makapagtataas.
Ani Veloso, sa sandaling maaprubahan at sang-ayunan ang panukala ay malaking tulong ito sa mga maralitang pamilya na hindi kayang magbayad ng mataas na matrikula sa kolehiyo, unibersidad at mga pribadong paaralan. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended