Sinibak na WPD station commander ibinalik
January 31, 2001 | 12:00am
Muling ibinalik sa puwesto bilang Station Commander si Supt. Juanito de Guzman matapos na tanggalin ni Western Police District Director Chief Supt. Avelino Razon dahil sa command responsibility nang matakasan ng 10 preso na nakapiit sa Station 11 sa Binondo, Manila na pinamumunuan ng naturang commander.
Ayon naman kay Razon, ang pagbabalik ni de Guzman bilang hepe ng Station 11 ay upang bigyan siya ng tsansang ipakita na hindi siya nagpabaya sa tungkulin bagaman natakasan ng preso.
Sinabi umano ni Atienza na naniniwala siya sa kakayahan ni de Guzman kasunod na rin ng pagkakadakip ng 6 sa 10 pugante sa kanilang hide-out sa Sta. Cruz at Tondo.
"Lets give him a chance as he did commendable job in re-arresting the six inmates," ani Razon.
Niliwanag din ni Razon na marami sa negosyante sa Binondo, partikular sa Chinatown ang nagtitiwala sa galing ni de Guzman sa pagmamantine ng peace and order sa kanyang hurisdiksyon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended