^

Metro

2 Igorot nagsawa sa pamamalimos nangholdap ng driver, taxi tinangay

-
Dalawang Igorot na nagsawa na umano sa pamamalimos ang nangholdap ng isang taxi driver saka tinangay ang sasakyan nito, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Benjardi Mantele, CPD-Station 10 chief, ang hinoldap at inagawan ng taxi na si Eduardo Bacani, 46, may asawa, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Sa pahayag ng biktima sa pulisya, bandang alas-3 ng madaling-araw nang sumakay ang mga Igorot na naka-bahag pa, sa taxi nito na may plakang PVL-589 sa EDSA at nagpahatid sa Quezon Avenue.

Pagsapit sa tapat ng Pegasus KTV ay iniutos ng mga suspek na iliko saka nagpahatid sa Chuatoco st. kung saan dito naglabas ng mga patalim at pana at inihayag ang holdap.

Pinababa ng mga Igorot ang biktima at itinakbo ang taxi patungo sa Timog Ave.

Sinabi ng biktima na nagulat siya nang maglabas ng pana at kakaibang patalim ang mga suspek kaya agad siyang bumaba ng taxi at nagsumbong sa pulisya. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BENJARDI MANTELE

CALOOCAN CITY

CHUATOCO

DALAWANG IGOROT

EDUARDO BACANI

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

TIMOG AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with