4 nurse sabit sa ninakawang pasyente ng ospital
January 29, 2001 | 12:00am
Sa halip na pag-aalaga para mapagaling ang kanilang may sakit na mga pasyente, nagawa pa umanong nakawan ng apat na nurse ng isang ospital ang isa nilang pasyente ng tinatayang P90,000 halaga ng perat mamahaling gamit, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Nakatakdang imbitahan ng Mandaluyong police sina Norman Buot, Mayleen Antolin, Kendie Estaris at Jessie Ambulencia, pawang attending nurse ng Medical City Hospital.
Kinilala naman ni PO2 Fernando Aguilar ang biktimang si Jesus Vitug, may asawa, residente ng #B-9 Lot 38 Subic Hills Village, Zubic, Zambales at kasalukuyang naka-confine sa Room 471 sa 4th floor ng nabanggit na pagamutan.
Ayon sa asawa ni Vitug, nawala umano sa kanila ang dalawang cellphone, isang shoulder bag na may P14,700 cash at mga alahas na umaabot sa halagang P60,000.
Sinabi ni Vitug na pinasok umano sila ng mga magnanakaw sa kanilang kuwarto bandang 1:30-2:30 ng madaling-araw habang naiidlip sila.
Nabatid na ang apat na nabanggit na mga nurse lamang ang malayang nakakapasok anumang oras sa kanilang silid dahil ang mga ito ang nag-aasikaso sa kanyang asawa.
Nang magising ito dakong alas-3 ng madaling-araw ay dito niya nadiskubre ang pagkawala ng kanilang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa habang wala rin ang kanyang bag na nakalagay naman sa cabinet ng kuwarto. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended