Gasolinahan hinoldap, sekyu tinodas
January 29, 2001 | 12:00am
Matapos mangholdap at makatangay ng salapi sa isang gasolinahan, pinatay pa ang security guard nito ng dalawang armadong lalaki, kamakalawa ng gabi sa Bagong Silang, lungsod ng Caloocan.
Hindi na umabot ng buhay sa Nodados General Hospital ang biktimang si Oscar Mogol, 32, residente ng #734 Mapagmahal st., Bgy. Piñahan, Quezon City at nakatalaga sa Flying V gasoline station na matatagpuan sa Samano road, Camarin Area A, Caloocan City.
Ayon kay PO3 Elvis Imperial, dakong alas-11 ng gabi noong Sabado nang lapitan ng dalawang suspek na armado ng isang home-made shotgun at handgun ang cashier booth na binabantayan ng isang nagngangalang Jenny.
Tinutukan ng mga suspek ang kahera at nagpahayag ng holdap at pinilit na kinuha ang cashiers box.
Natunugan naman ni Mogol ang pag-aagawan at tinangka nitong makialam, pero agad siyang binaril ng isa sa mga suspek.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga holdaper tangay ang pera at kalibre .38 service firearm ni Mogol.
Isang manhunt operations na laban sa mga suspek ang isinasagawa ng pinagsanib na mga elemento ng SWAT team ng Caloocan city police at Precint 13. (Ulat nina Rose Tamayo at Pete Laude)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended