Driver hinabol, pinagsasaksak ng 2 holdaper
January 28, 2001 | 12:00am
Isang taxi driver ang nabigong makatakas sa mga holdaper ng habulin siya ng mga ito at pagsasaksakin sa fly-over, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Naghihingalo sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Hipolito Tabora, 45, ng Guadalupe Nuevo, Makati City dahil sa apat na saksak sa dibdib.
Sa ulat ni PO3 Felipe Tumibay, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa ibabaw ng EDSA-Shaw blvd. flyover.
Pinara ng dalawang holdaper ang minamaneho ni Tabora na kulay pulang Leeliza’s taxi na Toyota Corolla sa harap ng Town and Country Hotel sa Sta. Mesa at nagpahatid sa Pasig City. Nang makarating sa flyover, nagbunot ng patalim at icepick ang dalawa at nagpahayag ng holdap.
Ibinigay ng biktima ang maghapon niyang kinita at sa takot na tuluyan siya ng mga holdaper ay binuksan nito ang pinto ng taxi at nagtatakbo.
Nagawa naman siyang habulin ng mga suspek at saksakin para hindi makapagsumbong.
Umaasa naman ang mga imbestigador na makakaligtas sa kamatayan ang biktima para makapagbigay ito ng deskripsiyon sa mga suspek at maaresto ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am