^

Metro

Nangaliwa, babae binurdahan ng saksak ng ka-live-in

-
Sa hinalang nangangaliwa, isang 30-anyos na babae ang nasa kritikal na kondisyon ngayon makaraang pagsasaksakin ng kanyang live-in partner kahapon ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Navotas.

Ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong 10 saksak ang biktimang si Evelyn Miranda, residente ng #21 Alpha st., Bangculasi, nabanggit na bayan.

Naaresto naman at nakakulong ang suspek na si Neil Agas, 31, kinakasama ng biktima.

Sa ulat ni SPO3 Milo Tengson, nabatid na isang kaibigan ng suspek ang nagsumbong sa huli na may kinalolokohan umanong ibang lalaki ang ka-live-in nito.

Nagngingitngit sa galit na kinomprontra ng suspek ang biktima hinggil sa sumbong pero itinanggi ng babae. Habang nasa kainitan ng pagtatalo ay agad kumuha ng panaksak ang lalaki at inundayan ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BANGCULASI

EVELYN MIRANDA

GEMMA AMARGO

GINAGAMOT

HABANG

MILO TENGSON

NAARESTO

NAGNGINGITNGIT

NEIL AGAS

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with