^

Metro

Payatas tragedy: 1 missing, 2 sugatan

-
Isang basurero ang nawawala at dalawa pang kasama niya ang sugatan makaraang matabunan ng mga basura sa Payatas dumpsite, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sugatan sina Franklin Resas, 16, at Joel Lalican, 16, pawang scavenger, samantala hindi pa rin natatagpuan habang isinusulat ang balitang ito si Rogee Baliwas, 16.

Nabatid na dakong alas-8 ng umaga kahapon habang nagkakalaykay ng basura ang mga biktima ng maramdaman nilang mayroong bulldozer sa ibabaw ng dumpsite na itinutulak ang bagong tambak ng basura dito.

Nakita umano nina Resas at Lalican ang nahuhulog na basura na itinutulak ng bulldozer kaya nagmadali silang tumalon sa tila putik na creek habang si Baliwas ay naiwan at hindi kaagad nakaalis.

Kinondena naman ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang panibagong trahedyang ito sa Payatas dumpsite at isinisi ang pangyayari kina dating Pangulong Estrada at QC Mayor Mel Mathay.

Samantala, nag-utos na si Mayor Mathay ng round-the-clock na search and rescue operation kay Baliwas (Ulat nina Rudy Andal at Angie dela Cruz)

vuukle comment

BALIWAS

DAMAYANG MAHIHIRAP

FRANKLIN RESAS

JOEL LALICAN

MAYOR MATHAY

MAYOR MEL MATHAY

PANGULONG ESTRADA

PAYATAS

QUEZON CITY

ROGEE BALIWAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with