Driver sinapak ng chairman
January 26, 2001 | 12:00am
Maga ang kaliwang mata at bukul-bukol ang ulo ng isang 48-anyos na jeepney driver matapos na ito ay sapakin sa mukha ng isang brgy. chairman at paluin ng batuta ng mga tanod nito dahil sa pagpapasakay nito ng mga pasahero kahapon sa kanto ng M. dela Fuente at España st., Sampaloc, Manila.
Nabasag ang eyeglass ng biktimang si Boy Gotiangco, jeepney driver ng rutang Balic-Balic, Sampaloc, España. Samantala, ang suspek ay nakilalang si Romeo Virrey, chairman ng Brgy. 452.
Sa pahayag ng biktima, dakong ala-una ng hapon ay bumibiyahe siya sa kanto ng M. dela Fuente st. kung saan naroon ang mga tanod na nagsasagawa ng barikada sa terminal ng nasabing ruta ng sasakyan.
Nagsisakayan naman ang pasahero sa jeep ni Gotiangco pero pinalo ng mg tanod ang jeep nito dahil bawal umano magsakay doon.
Sumagot si Gotiangco na hindi niya agad mapatakbo ang sasakyan dahil baka mahulog ang mga pasahero na sumasakay.
Agad nagsumbong ang mga tanod sa chairman at pagbalik ng biktima sa nasabing lugar ay hinarang ito ng suspek at galit na galit at agad siyang sinapak sa kaliwang mata.
Hindi pa umano nasiyahan ang suspek ay inutusan nito ang kanyang mga tanod na gulpihin ang biktima na pinagpapalo ng mga batuta.
Ayon kay Gotiangco, ang pagkagalit ng chairman ay may kaugnayan umano sa hindi pagbibigay ng asosasyon ng halagang P5 butaw bawat sasakyan dahil mayroon na silang permit sa City Hall. (Ulat ni June Trinidad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am