^

Metro

Ben Abalos bagong MMDA chairman

-
Tuluyan nang nagbitiw kahapon sa kanyang puwesto bilang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) si Jejomar Binay at italagang bagong hepe si dating Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, makaraang bawiin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nauna nitong pahayag na ipagpatuloy ng una ang pamamalakad sa MMDA.

Ayon kay Binay, tinawagan siya kamakalawa ng gabi sa cellphone ng bagong talagang Executive Secretary Renato de Villa para sabihing binabawi na ng Pangulo ang nauna nitong pagpayag na ituloy niya ang pamamahala sa MMDA.

Nauna nang nagsumite ng kanyang resignation letter si Binay matapos makapanumpa bilang bagong pangulo si Arroyo, pero sinabihan anya siya ng bagong lider na tutal ay kakandidato itong alkalde sa lunsod ng Makati sa darating na halalan sa Mayo ay ituloy na nito ang pamumuno sa MMDA, kasabay ng hindi pagtanggap ni Pangulong Arroyo sa kanyang pagbibitiw.

Subalit bigla siyang tinawagan ni de Villa at sinabing binabawi na ng Pangulo ang nauna nitong pahayag, dahilan para magsumite siyang muli ng resignation letter. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BINAY

EXECUTIVE SECRETARY RENATO

JEJOMAR BINAY

LORDETH BONILLA

MANDALUYONG CITY MAYOR BENJAMIN ABALOS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with