Sampayan pinag-agawan, obrero pinagbabaril ng kapitbahay
January 24, 2001 | 12:00am
Dahilan sa pag-aagawan sa sampayan ng damit, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang obrero ng kanyang kapitbahay, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Alfonso Pallan, 48, ng #54 Calle Onse Sapang Bakaw Arty Subdivision, Lawang Bato ng nasabing lungsod.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Nonito Sait, kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang pamamaril.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Valenzuela police na nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima dahilan sa sampayan na pag-aari ng huli na nasa tapat ng bahay nito.
Ayon sa pulisya, nais umanong makisampay ng damit ng suspek subalit tumanggi ang biktima at nagtalo ang dalawa pero naawat din ng kanilang mga kapitbahay.
Makalipas ang ilang minuto ay nagtungo umano ang suspek sa bahay ng biktima na noon ay natutulog at hinamon nito ng away.
Lumabas ng bahay ang biktima na noon ay armado ng patalim subalit mabilis itong pinaulanan ng bala ng suspek na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am