^

Metro

6 biktima ng illegal recruiter naharang sa NAIA

-
Nabunyag ang bigtime illegal recruiting na bumibiktima ng mga overseas Filipino workers ng mahuli ang lima sa naging biktima nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi muna tinukoy ang pangalan ng limang pasahero na pinigil nang tangkain ng mga itong sumakay sa Asiana Airlines patungong Seoul, Korea dahil sa pekeng pasaporte na may tatak na Korean visas.

Sa komprontasyon ay ikinanta ng mga biktima ang suspek na nagngangalang Joel Uy, ng Binondo.

Ayon sa mga biktima, si Uy ay ipinakilala ng isang Koreano na nasa bansa para mag-ayos ng kanilang travel documents. Nakasaad sa kasunduan na pagdating nila sa Seoul International Airport ay sasalubungin ang mga ito ng isang Koreano na nakilala lamang sa pangalang Kim Hwan Soo kapalit ang $1,000 bilang escort fee.

Napag-alaman sa records ng BI na marami nang Pinoy ang naging biktima ng Korean syndicate na kadalasan pagsapit ng mga ito sa Korea ay pinipigil at ang ilan ay humahantong sa kulungan dahil sa mga pekeng dokumento.

Pormal nang naghain ng reklamo ang limang Pinoy workers laban kay Uy matapos silang balaan na kapag hindi sila magrereklamo ay ang mga ito ang ipaghaharap ng kasong falsification of public documents at paglabag sa Passport Law. (Ulat ni Butch Quejada)

ASIANA AIRLINES

BUTCH QUEJADA

JOEL UY

KIM HWAN SOO

KOREANO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASSPORT LAW

PINOY

SEOUL INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with