^

Metro

Estudyante napagtripang patayin

-
Habang ang bansa ay nagdiriwang sa tagumpay ng Edsa People Power II na walang dumanak na dugo, isang 19-anyos na estudyante ang binaril at napatay ng tatlong kalalakihan habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang nasawi ay nakilalang si Marlon Sestoso, tubong Boloon, Cebu at residente ng 369 Valencia St., Sta. Mesa, dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya na dakong alas-7:40 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa Valencia St., kasama ang isang Richard Suño nang harangin sila ng mga suspek at doon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Agad na bumunot ng baril ang mga suspek at agad na pinaputukan ng malapitan si Sestoso habang si Suño ay mabilis na nakatakbo.

Ang mga suspek ay pinaghahanap ngayon ng pulisya. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

BOLOON

CEBU

EDSA PEOPLE POWER

ELLEN FERNANDO

HABANG

MARLON SESTOSO

MAYNILA

RICHARD SU

VALENCIA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with