^

Metro

14-anyos ginulpi, pinagbabaril

-
Isang 14-anyos na batang lalaki na umano’y anak ng political leader ni Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad ang pinagtulungang gulpihin at pagkatapos ay pagbabarilin ng isang grupo ng kabataan, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Jaime Polhen III, nakatira sa #7-B Kaligtasan st., Pasay City.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang tumakas na mga suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Pasay police, dakong alas-11:45 kamakalawa ng gabi sa kanto ng Figueroa at Galvez sts. ay nakatayo ang biktima at grupo nito ng harangin at bugbugin ang isang binatilyo na dumaan sakay ng scooter. Nakatakas ang binatilyo at nagtatakbo sa takot, pero pagkaraan ng ilang oras ay rumesbak at kasama na ang grupo nito.

Naabutan ng grupo ang nag-iisang si Polhen at kanila itong pinagtulungang gulpihin hanggang sa pagbabarilin.

Ang biktima ay anak umano ng political leader ni Trinidad na hindi nabanggit ang pangalan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

B KALIGTASAN

DIOS HOSPITAL

FIGUEROA

GALVEZ

HANGGANG

JAIME POLHEN

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with