Pasig residents binayaran para dumalo sa pro-Erap rally
January 20, 2001 | 12:00am
Umulan ng tig-isandaang piso kahapon sa Pasig City ng mamudmod sa libo-libong mahihirap na residente kapalit ng pagsama ng mga ito sa pro-Erap rally sa Makati City.
Mahigit 5,000 katao ang nagtipon sa loob ng Rizal Capitol compound kung saan 10 mga bus na magdadala sa mga tao sa Makati ang nakaantabay.
Isang Bobby Mina na empleyado umano ng Pasig City Internal Audit ang nakitang nag-abot ng isang makapal na bungkos ng pera sa isang hindi nakilalang kagawad ng Barangay Pineda, Pasig.
Nagkaroon ng argumento ang dalawa dahil hindi umano kakasya ang naturang pera sa higit 200 katao na hinakot nila sa naturang barangay.
Nang kapanayamin ay tuluyang umiwas ang mga ito pero ayon sa ilang residente, sinabihan lamang umano sila ng mga kapitan ng kanilang barangay na sumama at kumita ng pera. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest