Bata pinabili ng ulam nasagasaan, patay
January 19, 2001 | 12:00am
Malagim na kamatayan ang naging sagot sa kagutuman ang isang 5-anyos na batang lalaki matapos itong masagasaan ng isang pampasaherong jeep habang bumibili ng pagkain, sa Pasay City.
Namatay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital si Mark Gil Cano, nakatira sa Sto. Nino, ng lunsod na ito.
Naaresto naman ang suspek na si Rolando Capsa, ng #204 G. Reyes st. nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ng Pasay City police trafic division, dakong alas-5 ng hapon ay inutusan ang biktima ng kanyang ina na hindi binanggit ang pangalan na bumili ng pagkain dahil nagugutom daw ang nasabing bata.
Habang papatawid ang biktima ay hindi nito namalayan ang paparating na jeep na biyaheng Baclaran-Blumentritt. Huli na ng mapansin ng driver at hindi na nito nakontrol pa ang preno at masagasaan ang paslit. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am