Makati workers nag-walkout
January 18, 2001 | 12:00am
Nag-walkout sa kani-kanilang trabaho ang lahat ng kawani sa Central Business District sa lunsod ng Makati at idineklarang holiday ang araw kahapon upang makiisa sa isinasagawang protesta sa EDSA laban sa 11 Senador na hindi pumayag na buksan ang ikalawang envelope na naglalaman umano ng P3.3B secret Velarde account sa Equitable-PCI Bank.
Walong grupo sa pamumuno ng Makati Business Club (MBC) ang nanguna sa walkout, kasabay ng pag-aaklas rin ng mga brokers sa Philippine Stock Exchange trading floor. Napag-alaman na may direktiba ang mga pinuno ng ilang kumpanya sa lunsod na puwedeng hindi pumasok ng trabaho ang kanilang mga empleyado at sumama sa anti-Erap rally.
Kasama sa kanilang kautusan ang pagsusuot ng kulay itim na damit bilang simbolo ng pagluluksa laban sa 11 pro-Erap senators na itinuturing nilang mga taksil sa bayan.
Sa pahayag naman ni MBC spokesman Guillermo Luz, lalu lamang babagsak ang ekonomiya ng bansa at wala umanong patutunguhan ang gobyernong Estrada dahil nawalan na ng tiwala ang taumbayan sa impeachment court. Sinabi nito na ang naging desisyon ng nabanggit na mga senador ay pagpapakita na ipinawawalang-sala ng mga ito si Pangulong Estrada sa mga kaso nito sa kabila ng mabibigat na ebidensiyang iniharap dito.
Samantala, hiniling ng mga lokal na opisyal ng Metro Manila sa mga school officials na huwag idamay sa pulitika ang mga kabataang mag-aaral sa sapilitang pagpapasama sa mga ito sa anti-Erap rally.
Ayon kay QC Mayor Mel Mathay, tumanggap ang kanyang opisina ng mga reklamo sa mga magulang sa pagdedeklara ng mga pribadong paaralan ng walang pasok para padaluhin sa rally ang mga estudyante.
Kamakalawa ng alas-10:30 ng gabi ay nagsimula nang magdagsaan ang mga protester at nagsagawa ng noise barrage sa EDSA ilang sandali matapos manalo ang no vote. (Ulat nina Lilia Tolentino, Bonilla at Wilfredo Suarez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended