^

Metro

Aussie absuwelto sa rape

-
Isang Australian national na inakusahan ng rape ang nakaligtas sa hatol na kamatayan matapos na mapawalang sala kahapon ng Manila Regional Trial Court sa two counts of rape na isinampa sa kanya ng isang teenager noong nakalipas na taon.

Sa binabang desisyon ni Hon. Judge Perfecto Laguio ng MRTC Br. 18 nabigo ang taga-usig na mapatunayang nagkasala si Wesly Prentice sa kasong iniharap sa kanya.

Pinawalang saysay ng korte ang reklamo ni Jennifer Weeber, 17, isang Amerasian, na ginahasa umano siya ng suspek noong 1998 at 1999 sa magkahiwalay na lugar sa Burk Hotel sa Subic Bay, Olongapo at Royal Palm Hotel sa Ermita, Manila.

Mas binigyang diin ng korte ang panig ng depensa base na rin sa findings ng National Bureau of Investigation na walang sign ng physical at genetital abuse.

Napatunayan din na totoong may relasyon ang dalawa at kaya lamang naghain ng demanda ang dalagita ng malaman nito na magpapakasal na ang suspek sa isang Gian Ariston.

Nabatid pa na noong 1998 ay may relasyon na umano ang dalawa at katunayan ay pinag-aral ng lalake ag dalagita noong 1999 sa isang computer school at nitong 2000 ay sinampahan siya ng two counts of rape ng malamang ikakasal na sa iba ang Australiano. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BURK HOTEL

GIAN ARISTON

ISANG AUSTRALIAN

JENNIFER WEEBER

JUDGE PERFECTO LAGUIO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROYAL PALM HOTEL

SUBIC BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with