^

Metro

Lover nagselos, 2 maid sinaksak

-
Dahil sa balitang tinotorotot siya ng kanyang ka-live-in, pinagsasaksak ng isang lalaki ang kinakasamang maid kung saan idinamay ang isa pang katulong nang maiwan ang mga ito sa pinapasukang bahay sa Valle Verde Subdivision, Pasig City kahapon ng umaga.

Patawirin ang buhay sa Medical City Hospital ang mga biktimang sina Amy Lopez, 27, tubong Alabat, Quezon; at Noemi Capili, 20, dalaga, tubong Catarman, Northern Samar, kapwa stay-in sa pinapasukang bahay sa #06 Duhat st., Valle Verde, Bgy. Ugong ng nabanggit na siyudad.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Fernando Palacio, alyas Taba, 29, tubong Northern Samar, at taga-Block 35, Welfareville, Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Base sa ulat ni PO3 Efren Calix, may hawak ng kaso, naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga kahapon sa loob ng pinapasukang bahay ng mga biktima. Nabatid na palihim na inakyat ng suspek ang mababang bakod ng naturang tahanan upang kumprontahin ang kanyang ka-live-in na si Lopez hinggil sa umano’y pagkakaroon nito ng bagong nobyo kung saan kalat na ang tsismis sa kanilang lugar.

Nabatid din na bihira na ring umuwi tuwing day-off sa kanilang bahay sa Mandaluyong si Lopez kahit na may anak na ito sa kanya at nakikipagtagpo na lamang umano sa bago nitong kalaguyo. Hindi na rin umano sumisiping kay Palacio si Lopez na lubhang nagpaalburoto sa suspek.

Sa salaysay ni Capili, narinig umano niya na may nag-door bell sa may pinto at agad naman niyang pinagbuksan. Wala naman sa sarili na sinalubong na siya ng saksak sa dibdib ng suspek na maaari umanong inakala na siya si Lopez.

Sinaklolohan naman ni Lopez si Capili at niyapos ang ka-live-in upang hindi nito mahabol ang una. Nagawa namang makapiglas ng suspek at kay Lopez nito ibinuhos ang galit nang sabihin nito na siya talaga ang pakay niya.

Nagawa namang makatakbo ni Lopez ngunit nakorner siya ng lalaki sa may kusina kung saan dito na siya pinagsasaksak sa likuran. Tumakas naman ito nang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay si Capili.

Agad dinala ng mga nagmagandang-loob na kapitbahay ang dalawang biktima sa ospital bago tuluyang maubusan ang mga ito ng dugo. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ADDITION HILLS

AMY LOPEZ

BGY

CAPILI

DANILO GARCIA

EFREN CALIX

FERNANDO PALACIO

LOPEZ

MANDALUYONG CITY

NORTHERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with