^

Metro

LRT victims di pa makakalabas dahil sa lumolobong hospital bills

-
Hindi lamang sakit ng katawan at kamatayan ng mga mahal sa buhay ang problemang kinakaharap ng mga biktima ng pagsabog sa LRT. Higit nilang pinoproblema ngayon ang patuloy na paglaki ng kanilang hospital bills na dahilan para hindi sila makalabas ng pagamutan.

Bunga nito, nanawagan ang Metropolitan Bible Baptist Church at Bible Believers League for Morality and Democracy (BIBLEMODE) sa pamumuno ng pangulo nitong si Dr. Benny Abante sa mga negosyante at pilantropo na tulungan ang mga biktima sa mga gastusin sa pagpapagamot.

Umabot sa 50 American doctors ang dinala ni Abante sa bansa para sa medical at financial assistance ng mga ito pero hindi umano sasapat ang kanilang tulong.

Nauna nang nagbigay ng tulong pinansiyal si Pangulong Estrada sa direktiba nito sa PCSO at urban poor commission ng Manila City Hall para magpalabas ng pondo.

Samantala, dalawa sa mga biktima ng pagsabog ang nagpahayag ng pagkabigong makahingi ng tulong kay Manila Mayor Lito Atienza.

Sa reklamo nina Jameison Misolas, 24 at Rhea Rodil, pinaikot-ikot lamang umano sila ng magtungo ng Manila City Hall para ihingi ng tulong ang kanilang utang sa Chinese General Hospital.

Ang dalawa ay na-discharge sa CGH noong Lunes sa pamamagitan ng promisory note na babayaran ang pinagsama nilang utang na P100,000.

Nitong Enero 14, umabot sa halos P2 milyon ang natipong bills sa CGH. Sa nasabing halaga, P827,709.92 ang napunta sa gamot, P902,829.95 sa iba pang gastusin kasama na ang doctors’ fees.

Umabot sa 16 ang bilang ng mga pasyente na na-admit sa CGH at sa mga ito, isang Joel Atienza na umano’y nasa unstable condition pa rin kasama ang limang iba pa na nawalan ng dalawang binti ang may pinakamalaking bayarin na nagkakahalaga ng P519,359.17. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BIBLE BELIEVERS LEAGUE

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DR. BENNY ABANTE

JAMEISON MISOLAS

JOEL ATIENZA

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

METROPOLITAN BIBLE BAPTIST CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with