^

Metro

Belmonte nanguna sa mayoralty survey sa QC ng SWS

-
Inilampaso ni Quezon City 4th District Congressman Sonny Belmonte ang mga sinasabing makakalaban sa mayoralty race sa Quezon City nang mag-top siya at manguna sa ipinalabas na SWS survey na ipinatupad nito noong nakaraang buwan ng Nobyembre.

May 3.5 percent ang iniungos ni Belmonte sa hanay ng mga kakandidato sa pagka-alkalde sa Quezon City na sina actor Rudy Fernandez (3rd place), Chuck Mathay (2nd place), na anak ni incumbent Mayor Mel Mathay at Congressman Dante Liban (4th place).

Nabatid na ang "Serbisyong Bayan" project ni Belmonte ang nagbigay ng malaking puntos sa kanya para manguna sa naturang survey.

Ilang mga paaralan, lansangan, mga barangay halls at clinics ang naipagawa ni Belmonte sa Quezon City habang siya ay nanunungkulan bilang representative ng 4th District ng lungsod.

Ang survey na isinagawa mismo sa tanggapan ni Mayor Mathay ay mula sa may 1,000 residente ng lungsod bilang respondent.

Bagamat walang pormal na pagpapahayag si Belmonte na kakandidatong Mayor ng Quezon City ay marami ang nanawagan na tumakbo ito sa darating na May 11 elections dahil naniniwala ang mga ito na higit na mapapabuti nito ang kabuhayan ng mga taga-lungsod dahil naipakita na niya at naipamalas ang pagseserbisyo sa mga napasimulan nitong programa na ipinatutupad sa QC. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BELMONTE

CHUCK MATHAY

CONGRESSMAN DANTE LIBAN

DISTRICT CONGRESSMAN SONNY BELMONTE

MAYOR MATHAY

MAYOR MEL MATHAY

QUEZON CITY

RUDY FERNANDEZ

SERBISYONG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with