LGUs kapit-bisig sa problema sa basura
January 16, 2001 | 12:00am
Hindi umano dapat limitahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang anumang natatanggap na proposal ng ibat ibang sektor sa pagdedesisyon sa usapin sa basura dahil may mga local government units na mayroon ding sariling teknolohiya na maaaring lumutas sa problema sa basura sa Metro Manila.
Ito ang iginiit kahapon ni Quezon City Councilor at Philippine League National Chairman Pinggoy Lagumbay na nagsabing ang pagkakapit-bisig ng mga LGUs ay makakatulong sa pagresolba sa garbage problem.
Ayon kay Lagumbay, ang problema ay seryoso at ang pakikipagtulungan ng bawat isa ay kailangan para malutas ito. Handa rito ang mga konsehal sa ilalim ng Philippine Councilors League at kung payag si MMDA Chairman Jejomar Binay ay makikiisa sila at ibabahagi ang kani-kanilang mga resources para maaksiyunan ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest