^

Metro

2 miyembro ng human smuggling syndicate tiklo sa NAIA

-
Naaresto ng mga tauhan ng intelligence unit ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang hinihinalang miyembro ng human smuggling syndicate na dumating sa bansa sakay ng magkakahiwalay na flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon ng umaga.

Si Tak Yee Nelly Cheuk, 35, tubong Hong Kong at sinasabing British national sa nakuhang passport dito ay galing ng bansang Nauru at sakay ng Airlines Nauru ng dumating dakong alas-9:13 ng umaga. Samantala ang kasama nitong si Douglas F.S. Yee, 50, holder ng Canadian passport, tubong Tai Shan, China at galing ng HK ay inaresto rin sa parehong kaso.

Napag-alaman na ang dalawang suspek na pawang transit passengers ang umeskort sa 22 Chinese national na kasama nilang dumating kahapon at patungong Nauru kung saan ginamit ang bansa bilang jump-off point.

Nakuha sa mga ito ang iba’t ibang rubber stamp, immigration application, photo copy ng iba’t ibang passport, visa application at mga plane ticket ng iba’t ibang tao.

Itinanggi naman ng mga dayuhan ang nasabing akusasyon. (Ulat ni Butch Quejada)

AIRLINES NAURU

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

DOUGLAS F

HONG KONG

ITINANGGI

NAURU

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SI TAK YEE NELLY CHEUK

TAI SHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with