^

Metro

Lalaki nag-almusal ng bala

-
Sa halip na masarap na agahan, bala ang inalmusal ng isang lalaki matapos itong barilin at mapatay ng isang kaibigan, kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Namatay noon din si Alexander Alvarez, 38, residente ng #156 Bautista st., Bgy. Bayanan dahil sa isang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi nabatid na kalibre ng baril.

Samantala ang suspek ay nakilala lamang sa pangalang Suarez na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Armando Alambro ng Criminal Investigation Division, Muntinlupa police, kasalukuyang nag-aalmusal ang biktima dakong alas-5:30 ng umaga nang may kumatok sa pinto at nagpakilalang Suarez at kaibigan nito.

Ipinagpaliban muna ng biktima ang pagkain at binuksan ang pintuan ng bigla na lamang nagulat ang live-in partner nitong si Gemma Garcia, 25, ng makarinig ng putok at makitang nakabulagta at patay na si Alvarez.

Wala namang alam si Garcia na kagalit ng biktima. Isang imbestigasyon na ang isinasagawa sa motibo ng pagpatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALEXANDER ALVAREZ

ALVAREZ

ARMANDO ALAMBRO

BAUTISTA

BAYANAN

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

GEMMA GARCIA

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with