Inirekomenda ni Assistant City Prosecutor Bonifacio Macabaya na ibasura ang kaso ni PO3 Nestor Violan,dating Officer-In-Charge ng Pasay Public Assistance and Reaction Group (PARAG) matapos na ang nagsampa ng kaso ay hindi na interesado dahil hindi na dumadalo sa mga pagdinig.
Ang biktima na hindi pinangalanan na isang kawani ng city hall ay nagsabi na puwersahan siya umanong ginamit ni Violan habang lango sa alak sa isang birthday party.
Subalit ayon kay Violan na kaya binasura ng korte ang kanyang kaso dahil gawa-gawa lang ng mga taong galit kay Vice Mayor Greg Alcera na siyang nagtatag ng PARAG.
Marami umano nagalit sa kanya at sa kanyang boss na si Alcera dahil sa kanilang paglaban sa mga drug pushers na ikinasiya ng mga residente ng Pasay City. (Ulat ni Lordeth Bonilla)