Dugo-dugo gang aktibo ulit
January 15, 2001 | 12:00am
Nagbabala ang pulisya sa publiko sa isang lalaki na umano ay miyembro ng Dugo-dugo gang na ang modus operandi ay magtungo sa mga bahay-bahay at magpanggap na kamag-anak ng mga nakatira doon.
Ang nabiktima ng hindi pa kilalang suspek ay si Jun Garcia ng Pajo st.,Project 2,Quezon City. Nasa trabaho si Jun at ang asawa nitong si Remy nang dumating sa bahay nila ang suspek na nagpakilalang kamag-anak sa mga katulong ng pamilya Garcia.
Ayaw sanang papasukin ng katulong ang suspek subalit iwinagayway nito ang tatlong libong piso at sinabi na magbabayad siya ng utang kay Jun at kailangan na papasukin siya para makuha ang iniwang resibo.
Alinlangan ang katulong kaya inutusan nitong kunin ang wireless phone at umano ay kinakausap si Jun na pinaniwalaan naman ng katulong.
Kaya pinapasok ng katulong ang suspek at dito ay inutusan na bumili sa tindahan ng pagkain.
Agad namang sumunod ang katulong subalit nang makauwi na ito mula sa tindahan ay wala na ang suspek at natuklasan na pinagnakawan ang kuwarto ng mag-asawang Garcia at natangay ang P 100,000 halaga ng alahas at kalibre.38 baril.
Nanawagan naman ang pulisya kung sino man ang makakakita sa suspek tulad ng nasa cartographic sketch at agad ireport sa pinakamalapit na pulisya. (Ulat ni Non Alquitran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended