2 holdaper todas sa barilan, pulis sugatan
January 14, 2001 | 12:00am
Tadtad ng bala sa katawan at namatay noon din ang dalawang lalaki na pinaniniawalaang mga holdaper habang malubhang nasugatan ang isang miyembro ng Central Police District PNP sa naganap na barilan kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Cloverleaf Market, EDSA, Quezon City.
Ang mga suspek na napatay ay nakilalang sina Cerisio Cortes, residente ng Damong Maliit, Novaliches, Quezon City at Ferdinand Abragan, ng Borja St., CDO, Manila.
Samantala nasugatan naman ang pulis na si SPO2 Jacobo Miranda, nakatalaga sa Mobile Force ng CPD dahil sa tama ng bala sa batok at pigi.
Nabatid sa pulisya na dakong alas-4:30 ng madaling-araw ay binabagtas ng dalawang suspek sakay ng Mitsubishi Lancer na may plakang TFV-269 ang kahabaan ng EDSA malapit sa Cloverleaf Market.
Nang sila ay pahintuin ni Miranda na nakatalaga sa lugar na iyon ay nagduda kung bakit pinatay ng mga ito ang kanilang headlights.
Papalapit pa lamang ang pulis sa kotse ng mga suspek ay agad na pinagbabaril ito.
Mabilis namang nagresponde ang mga pulis na nakarinig sa putukan sa nasabing lugar at naabutan nila ang mga suspek na papatakas.
Pinasuko umano ng mga pulis ang mga suspek sa halip nakipagbarilan pa ang mga ito kayat gumanti ang mga pulis na siyang ikinamatay ng mga suspek. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest