Pasahero nang-agaw ng manibela: 2 patay, 1 sugatan
January 12, 2001 | 12:00am
Dalawang pasahero ang nasawi habang malubhang nasugatan ang isang driver matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang ten-wheeler truck nang mang-agaw ng manibela ang isa sa mga pasahero, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Namatay sina John Melvin Calahati, 16, binata, ng #127 A.P. Garcia st., Don Bosco, Tondo at Joey Aliada, 20, ng Pacheco st., Tondo.
Sugatan naman ang driver ng tricycle na si Francisco Alido, 24, may asawa, ng Tondo.
Sa report ni SPO1 Mario Jorge ng WPD-Traffic Division, si Alido, kasama ang dalawang nabanggit niyang pasahero ay bumabaybay patungong Port Area, Manila nang parahin sa R-10, Tondo ng isang lalaki. Nakipag-usap ang lalaki na magbibigay siya ng P10 kung ihahatid siya sa may Anda Circle.
Pumayag ang driver, maging ang dalawang sakay nitong mga biktima dahil sa madadaanan din nila ang naturang lugar sa pagpunta sa kanilang destinasyon sa Port Area highway.
Bandang alas-7 ng gabi, habang mabilis na nagpapatakbo ang naturang driver ay biglang inagaw ng panghuling di-kilalang pasahero na nakasakay sa tabi ng driver ang manibela sanhi upang umikot at sumalpok sa kanang bahagi ng cargo truck (PVF-742) na patungong Caloocan City na minamaneho naman ng isang Oscar Pasada. Dahil sa malakas na impact ay tumaob at wasak ang tricycle.
Dead-on-the-spot sina Aliada at Calahati habang si Alido ay sugatan at ginagamot sa Tondo General Hospital.
Kusang sumuko sa awtoridad ang driver ng truck habang pinaghahanap ng pulisya ang pangatlong pasahero na nang-agaw ng manibela.(Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended