Account executive ng Sunstar binoga sa mukha

Isang account executive ng pahayagang Sunstar Manila ang binaril at napatay ng dalawang umano’y pulis sa labas ng isang night spot, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Gaynor Sorsogon, director ng Special Project for Media Services ng Sunstar matapos barilin sa mukha ng kalibre .45 baril ng isa sa mga suspek.

Sa pahayag ng kanyang kasamang si Eric Clemente, isang freelance journalist, bago ang insidente ay nag-iinuman sila sa labas ng J & L Ihaw-ihaw sa kanto ng Kamuning road at Scout Torillo st., kasama ang isang GRO ng biglang awayin ni Sorsogon ang kanyang ka-table.

Habang nag-aaway ang dalawa ay lumabas ng Ihaw-ihaw ang mga suspek na noo’y kostumer din at nagpaputok ng dalawang warning shots.

Sinita ng biktima ang dalawa pero binaril ito sa mukha at nagsitakas. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments