Zhagu drinks may borax
January 11, 2001 | 12:00am
Isang sago factory na supplier ng kinagigiliwang Zhagu mix drinks o mas kilala bilang pearl shakes sago sa Metro Manila ang nadiskubreng naglalagay umano ng "borax" sa kanilang produkto matapos ang isinagawang pagsalakay dito ng mga tauhan ng DILG at Bureau of Food and Drug (BFAD), kahapon sa Arkong Bato, Valenzuela City.
Kinansela ang permit at tuluyang ipinad-lock ng DILG at city government representatives ang pabrika ng Felixton marketing na pag-aari ng isang Benjamin Co na matatagpuan sa #37 Mendoza st., Bgy. Arkong Bato.
Sa ginawang raid ng DILG at mga kinatawan ng BFAD na sina Theresa Cevita at Lili Garcia, napatunayan na may halong borax ang ginagawa nilang sago na isinusuplay naman sa popular ngayong Zhagu mix drinks sa buong MM.
Inamin naman ni Co na ginagamit nila ang borax bilang preservative ng sago. Ang borax ay puting pulbos na ginagamit ng mga naglalaro ng bilyar at pool kung saan ipinapahid nila ito bilang pampadulas sa kanilang mga kamay.
Ayon kay Chief Insp. Nelson Yabut, DILG Special Task Force chief, nabunyag ang ilegal na ginagawa ng nasabing pabrika matapos na isang trabahador ni Co na si Charlie Javier ang tumakas sa pabrika nitong nakaraang Enero 3 at magdala sa DILG ng sample ng ginagawa nilang sago na may halong borax.
Ayon kay Javier, mahigit 40 silang trabahador rito na nirecruit mula sa kanilang lalawigan sa Negros Oriental. Bukod sa pinapakain sila ng panis ay minamaltrato anya sila ng amo nilang Intsik, dahilan para isa-isang magsitakas ang mga manggagawa nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended