^

Metro

Dugo dadanak sa Payatas

-
Nagbanta kahapon ang grupong Kadamay na dadanak ang dugo sakaling hindi ipasara ng Quezon City government ang Payatas dumpsite matapos itong muling buksan.

Ayon kay Roger Dolores, spokesperson ng grupo, ayaw na nilang makipag-usap sa sinumang opisyal ng QC kahit na kay Mayor Mel Mathay dahil kahit iginiit nila ang pagpapasara sa dumpsite ay wala naman silang ginagawa.

Kaugnay nito, nanawagan ang Kadamay sa korte na simulan na ang paglilitis sa kasong damage suit na isinampa laban kay Mathay dahil labag umano sa batas ang ginawa nitong pagbubukas sa Payatas.

Disyembre 31, 2000 dapat ipinasara ang Payatas dumpsite pero muling binuksan ng walang mapagtapunan ng basura ang QC matapos isara ang San Mateo landfill sa lalawigan ng Rizal. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CRUZ

DISYEMBRE

KADAMAY

MAYOR MEL MATHAY

PAYATAS

QUEZON CITY

ROGER DOLORES

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with