^

Metro

Black plague, nakaamba sa Maynila dahil sa basura

-
Nagbanta kahapon si Manila City Health officer-in-charge Dr. Florante Baltazar ng pagkakaroon ng epidemya sa kamaynilaan dahil sa salot na idudulot ng problema sa basura na posibleng magresulta ng black plague na magmumula sa mga daga.

Maliban sa mga sakit na cholera, dysentery at iba pang garbage-related diseases ay higit umanong dapat paghandaan ng mga taga-Maynila partikular ang mga squatter areas ang bubonic plague na dadalhin ng daga.

Ani Dr. Baltazar, dahil sa pagkakaroon ng nabubulok na tambak na mga basura ay magkakaroon ng open habitat ang mga daga at di tulad ng dati na naglulungga lamang ito ay maging open na ito sa mga basura at hindi lamang ito mangilan-ngilan kundi kawan ang magiging pag-ataki nito.

Bagaman at bihira ang kaso ng mga direktang nakakagat ng daga ang pag-ataki nito sa tao ang delikado.

Base sa paliwanag ni Dr. Baltazar, ang parasites sa balahibo ng daga ay madaling lumipat sa balat ng tao sa pamamagitan ng hangin.

At dahil microscopic ang kuto ng daga ay di ito basta-basta makikitang didikit sa balat ng isang tao hanggang sa manuot sa skin pores at sa loob ng 24 oras ay sapat na upang mamatay ang kakapitan nito. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BAGAMAN

DAGA

DR. BALTAZAR

DR. FLORANTE BALTAZAR

MALIBAN

MANILA CITY HEALTH

MAYNILA

NAGBANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with