^

Metro

Mga muslim lalaban kapag ginawang "fall guy"

-
Galit na nagbanta kahapon ang grupo ng mga Muslim na nakabase sa Southern Metro Manila na papalagan nila ang pamahalaang Estrada kapag muling inulit ang ilegal na pag-aresto sa kanilang mga kalahi para lamang pagtakpan ang mga taong nasa likod ng pambobomba sa Metro Manila na kumitil ng maraming buhay at sumugat ng mahigit sandaang katao.

Sinabi ng grupo na sa tuwing may nagaganap na pambobomba sa bansa ay lagi na lamang ibinubunton ng pamahalaan sa kanila ang sisi para lang masabi na nahuli nila ang mga suspek.

Hinalimbawa nila ang 17 muslim na inaresto ng mga militar kamakailan sa Culiat, Quezon City at pagkatapos ay pinawalan din dahil hindi ito ang mga suspek sa pambobomba.

Matatandaan, noong mga nakaraang buwan, isang grupo pa rin ng mga Muslim ang inaresto ng pulisya sa bayan ng Taguig at sa kanila rin ibinibintang ang mga naganap na pagsabog sa mga mall. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CULIAT

GALIT

HINALIMBAWA

LORDETH BONILLA

MATATANDAAN

METRO MANILA

QUEZON CITY

SINABI

SOUTHERN METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with