^

Metro

Karahasan sa Malabon: 3 katao patay

-
Tatlong kalalakihan na kinabibilangan ng isang hindi pa nakilalang biktima ang napatay ng kani-kanilang mga assailant matapos na sila ay pagbabarilin at pagsasaksakin sa magkakahiwalay na lugar at oras sa bayan ng Malabon.

Ang unang hindi pa nakikilalang biktima ay tinatayang nasa 25-30 edad, may taas na 5’4" hanggang 5’6", katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang kulay at nakasuot ng fatigue short at guhitang kamiseta na kulay tsokolate.

Habang hindi na umabot ng buhay sa magkahiwalay na pagamutan sina Wilson Peralta, 25, may-asawa, obrero, at residente ng Dagat-dagatan, Brgy. Longos, Malabon at Jorge Pendagonda, 21, may-asawa, porter at residente ng Bagong Silang, Brgy. San Jose, Navotas.

Ang unang biktima ay binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa may Guava Road, Brgy. Potrero.

Ang sumunod naman ay dakong alas-2:00 ng madaling araw habang nakikipag-inuman si Peralta sa kanyang mga kaibigan sa Goldfish Alley ay sumulpot ang suspek na nakilala sa alyas na Edgar at walang sabi-sabing binaril ito sa dibdib.

Ang huling insidente naman ay naganap ilang minuto lamang ang nakalipas nang pagsasaksakin si Pendagonda sa Malabon Fishport ng suspek na si Lorlito Petero, 41, fishporter dahil sa ayaw umanong magbayad ang una ng kanyang utang. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BRGY

GOLDFISH ALLEY

GUAVA ROAD

JORGE PENDAGONDA

LORLITO PETERO

MALABON

MALABON FISHPORT

RUDY ANDAL

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with