Parang bulang naglaho ang suspek na si Naim Daya-an, 25, residente ng 120 Maguindanao, Brgy. Culiat, Quezon City na umano ay pinakawalan matapos ang isang "cash-sunduan".
Napag-alaman na isang PO1 Ronilo de Guzman na nakatalaga sa NPDO-District Mobile Force ang siyang nag-kostudya kay Daya-an at ito rin ang siyang pumirma sa log book ng security section ng nasabing kumpanya ng bus bilang patunay na tinanggap nito ang tatlong kilong shabu.
Subalit ng kausapin ng reporter na ito ang tanggapan ng NPDO kung saan dinala ni PO1 de Guzman si Daya-an at ang tatlong kilong shabu, walang maisagot ang mga pulis dito.
Maging ang NPDO Director na si Senior Supt. Marlowe Pedregosa ay walang masabi sa naturang insidente at kapag tatawagan ito sa telepono ng mga reporter lagi umano itong wala sa opisina.
Kayat hinihinala ng mga reporter na may naganap na cover-up sa pagkawala ni Daya-an at ang tatlong kilong shabu. (Ulat ni Rudy Andal)