^

Metro

Pusher, 3 kilo na shabu misteryosong nawala

-
Naging inutil ang pamunuan ng Northern Police District Office (NPDO) dahil hindi nito maipaliwanag kung paano misteryosong nawala ang suspek at ang tatlong kilo na shabu na nakumpiska dito ng isang pulis sa loob ng Victory Liner Bus sa Monumento, noong nakalipas na Disyembre 31.

Parang bulang naglaho ang suspek na si Naim Daya-an, 25, residente ng 120 Maguindanao, Brgy. Culiat, Quezon City na umano ay pinakawalan matapos ang isang "cash-sunduan".

Napag-alaman na isang PO1 Ronilo de Guzman na nakatalaga sa NPDO-District Mobile Force ang siyang nag-kostudya kay Daya-an at ito rin ang siyang pumirma sa log book ng security section ng nasabing kumpanya ng bus bilang patunay na tinanggap nito ang tatlong kilong shabu.

Subalit ng kausapin ng reporter na ito ang tanggapan ng NPDO kung saan dinala ni PO1 de Guzman si Daya-an at ang tatlong kilong shabu, walang maisagot ang mga pulis dito.

Maging ang NPDO Director na si Senior Supt. Marlowe Pedregosa ay walang masabi sa naturang insidente at kapag tatawagan ito sa telepono ng mga reporter lagi umano itong wala sa opisina.

Kaya’t hinihinala ng mga reporter na may naganap na cover-up sa pagkawala ni Daya-an at ang tatlong kilong shabu. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

DAYA

DISTRICT MOBILE FORCE

GUZMAN

MARLOWE PEDREGOSA

NAIM DAYA

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SENIOR SUPT

VICTORY LINER BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with