^

Metro

Adik na totoy nang-akyat bahay, nagtangka pang mang-rape

-
Isang 13-anyos na umano’y adik ang dinakip ng pulisya matapos nitong pasukin para pagnakawan ang isang bahay at pagsasaksakin at pagtangkaan pang gahasain ang isang accounting student, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kasalukuyang ginagamot sa Martinez Memorial Hospital sanhi ng mga saksak sa hita ang biktimang si Jocelyne Garcia, 19, estudyante ng Far Eastern University (FEU) at residente ng #13 Purificacion st., Maypajo, Caloocan City.

Naaresto naman ang suspek na itinago sa pangalang Angelo, out-of-school youth at nakatira sa Kadiwa st., nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Eduardo Bayangos ng Caloocan police station 2, dakong alas-3 ng madaling araw habang natutulog ang biktima sa bahay nito ng biglang pumasok ang suspek sa bintana upang umano’y magnakaw.

Nagising ang biktima at ng makita nito ang suspek ay agad siyang sinaksak sa hita at tinangka pa umanong gahasain kaya nagsisigaw ang babae na ikinagising ng mga kasambahay nito.

Tumakas ang batang suspek pero nadakip ni Bgy. Ex-O Sesinando Germo ng Bgy. 27 Zone 3.

Nabatid na ang batang suspek ay isa umanong adik at nagtangkang magnakaw para makabili ng droga. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANGELO

AYON

BGY

CALOOCAN CITY

EDUARDO BAYANGOS

EX-O SESINANDO GERMO

FAR EASTERN UNIVERSITY

GEMMA AMARGO

JOCELYNE GARCIA

MARTINEZ MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with