^

Metro

Garbage system ng HK planong i-adopt sa RP

-
Kasalukuyang pinag-aaralan ng Maynila ang pag-adopt ng garbage system ng Hongkong para mabatid kung maaari itong mai-apply sa lungsod bilang bahagi ng paghahanap ng solusyon sa problemang kinakaharap ng bansa sa basura.

Ito ang napag-alaman kay Manila Vice Mayor Danilo Lacuna na nagsabing ang pag-aaral ay bunga na rin ng namimintong krisis sa basura sa Metro Manila bunga ng pagsasara ng San Mateo-Antipolo landfill.

Ayon kay Lacuna, sa ilalim ng sistema sa Hongkong ang mga basura ay inilalagay sa barges o phorous cement containers at nang dumami na ay ginamit sa pagpapatayo ng makabagong paliparan at highways.

Sinabi ni Lacuna na ang kanyang staff ay nasa proseso na ng pakikipag-ugnayan sa mga eksperto ng Hongkong upang pag-aralan ang posibilidad ng paggamit ng nasabing sistema sa bansa.

Kasabay nito ay umapela si Lacuna sa mga naninirahan malapit sa ilog o estero na huwag gawin basurahan ang kanilang paligid, partikular ang tubig dahil ang ganitong uri ng gawain ang nagiging sanhi ng siltation na dahilan para bumabaw ang tubig na nagdudulot ng mga pagbaha at flashfloods. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

AYON

KASABAY

KASALUKUYANG

MANILA VICE MAYOR DANILO LACUNA

MAYNILA

METRO MANILA

SAN MATEO-ANTIPOLO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with