^

Metro

House & lot alok ni Erap sa pamilya ng natodas na Pulis sa bombing

-
Plano ni Pangulong Estrada na bigyan ng bahay at lupa ang naulilang pamilya ng pulis-Makati na si Insp. Ernesto Salvador na nasawi kasama ang isa pang pulis habang dine-defuse ang isang bomba malapit sa Dusit Hotel Nikko sa Makati City noong Disyembre 30.

Ayon kay PNP director Gen. Panfilo Lacson, ang pahayag ng Pangulo ay matapos ang ginawang pagdalaw sa labi ni SPO4 Roberto Gutierrez sa Loyola Memorial Chapel kamakalawa ng gabi. Si Gutierrez ay kasamang nasawi ni Salvador ng sumabog ang bomba habang sinisikap ng dalawa na huwag itong pumutok.

Ayon kay Lacson, nalaman ng Pangulo na ang pamilya ni Salvador ay nakatira sa squatters area at hirap ang buhay.

Ang pamilya ng dalawang pulis ay binigyan ng Pangulo ng tig-P500,000 at pinagkalooban ng scholarships ang kanilang mga anak bukod pa sa posthumous promotion.

Ang labi nina Salvador at Gutierrez ay inilibing kahapon sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio bilang bahagi ng parangal ng PNP at pamahalaang lungsod ng Makati sa kanilang kabayanihan sa pagsagip sa buhay ng mga mamamayan. (Ulat nina Lilia Tolentino/Lordeth Bonilla)

AYON

DUSIT HOTEL NIKKO

ERNESTO SALVADOR

FORT BONIFACIO

LILIA TOLENTINO

LORDETH BONILLA

LOYOLA MEMORIAL CHAPEL

MAKATI

MAKATI CITY

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with