^

Metro

Pinsan ng MILF counsel dinukot ng 6 pulis

-
Dinukot ng anim na kalalakihang nagpakilalang mga pulis ang pinsan ng abogado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Macaponton Abbas, kamakalawa ng umaga sa Pasig City.

Kinilala ni P/Supt. John Sosito, hepe ng Pasig police ang nawawalang si Ismael Abbas, 39, may asawa, operator ng taxi at nakatira sa #55-E Banaag st., Purok 2 Bgy. Pineda nabanggit na siyudad.

Nabatid na naganap ang pagdukot dakong alas-9:30 ng umaga nitong Miyerkules habang naghihintay ang biktima ng masasakyang dyip sa harap ng sari-sari store ng biglang sumulpot ang anim na lalaki na sakay ng isang L-300 van at isinakay si Abbas.

Ayon sa ilang saksi, sinabihan umano sila ng mga suspek na ‘wag makialam dahil police operation ‘yon.

Ang pagdukot ay inireport ng pinsan ng biktima na nakilala lamang sa pangalang Alinden.

Nag-utos na si P/Sr. Supt. Simeon Dizon Jr. na madaliin ang paghahanap sa biktima habang hinahanapan naman ng pulisya ng kaugnayan ang nasabing pagdukot sa tensiyong namamagitan sa militar at MILF hinggil sa naganap na bombing noong Rizal Day. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

E BANAAG

ISMAEL ABBAS

JOHN SOSITO

MACAPONTON ABBAS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PASIG CITY

RIZAL DAY

SIMEON DIZON JR.

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with