Coed natodas sa pagkaing spaghetti na may watusi
January 4, 2001 | 12:00am
Dahilan sa pagkain ng nilutong spaghetti na umanoy may watusi, isang 19-anyos na pharmacy student ang nalason at namatay, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital (MCU) ang biktimang si Maria Mae Sonitado, ng Waling-Waling st., Bagong Barrio, Caloocan.
Sa ulat ni Chief Insp. Alfredo Corpuz, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID) bago naganap ang nasabing insidente ay nagkaroon ng handaan sa bahay ng biktima dahil isa sa mga kapatid nito ay nagdiwang ng kaarawan at nagluto ang kanilang ina ng spaghetti.
Hindi naubos ang spaghetti at kanila itong inilagay sa refrigerator para kainin kinabukasan.
Kahapon, dakong alas-3 ng madaling-araw ay maagang gumising ang biktima para umigib ng kanyang pampaligo sa labas ng kanilang bahay at habang ito ay nag-iigib ay nakaramdam ito ng pagkagutom kung kaya kinuha nito ang nakaimbak na spaghetti at saka kinain habang nagpupuno ng tubig sa balde.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay bigla itong nakaramdam ng pananakit ng tiyan at nagsimula nang magsuka. Isinugod ito sa nasabing pagamutan pero namatay din.
Sa obserbasyon ng mga doktor, ang biktima ay nalason sa kinaing spaghetti na nahaluan ng watusi.
May hinala ang pulisya na natalsikan ng watusi ang naturang pagkain ng mga batang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended