^

Metro

2 pang LRT bombing victims namatay sa ospital

-
Umakyat na sa 18 ang kabuuang bilang ng namatay sa naganap na pagsabog sa Metro Manila makaraang iulat ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang pagkamatay ng dalawa pang pasyente na biktima ng pambobomba sa LRT Blumentritt station dahil sa di nakayanang third degree burns sa katawan ng mga ito.

Sa pahayag ni Dr. Valbir Singayan, doctor-on-duty sa JRMMC Burn Unit, di na nakayanan ang malalang sugat at mga paso na tinamo ng mga biktimang sina Remedios Malaqui, 24, may asawa ng Bacoor, Cavite at Edmund Damondon, 21.

Si Malaqui na 4-buwang buntis ay namatay dakong alas-8:20 ng gabi kamakalawa habang ginagamot sa ICU, samantala si Damondon na pinutulan ng dalawang binti makaraang madurog ang mga ito ay binawian ng buhay bandang alas-9:35 kahapon ng umaga.

Ayon pa sa JRMMC, may 50 pasyente pa ang kasalukuyang inoobserbahan habang isa sa mga namatay ang hindi pa rin nakikilala at nananatiling nasa morgue ng nasabing ospital at wala pang nagki-claim.

Nangangamba ang JRMMC na madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa rin sa mga nakaratay ang nasa kritikal na kondisyon bunga ng panghihina ng katawan.

Kinilala ang mga naunang namatay sa LRT bombing na sina Roweno Corpin, ng Bgy. San Andres, Dasmariñas, Cavite; Gerardo Lim; Valentino Calaquian ng Cavite City; Jonelyn Abalos, ng San Andres, Bukid, Manila; Criselle Ann Acusin, ng Longos, Malabon; Renato Sebastian, ng Gagalangin, Tondo, Maynila; Lynette Rodriguez-Narvaez, ng Fabie st., Paco, Maynila; Eunice Canite Chua at Rowena Chua, pawang ng Tacloban City; Romeo de Vera; at isang di nakikilalang babae. (Ulat nina Andi Garcia at Ellen Fernando)

ANDI GARCIA

BURN UNIT

CAVITE

CAVITE CITY

CRISELLE ANN ACUSIN

DR. VALBIR SINGAYAN

EDMUND DAMONDON

ELLEN FERNANDO

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with