^

Metro

Pumatay ng nobya nakonsiyensiya, sumuko

-
Isang tricycle driver na responsable sa pagpatay ng kanyang girlfriend ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) limang araw makaraang isagawa nito ang krimen sa Valenzuela City.

Ang suspek na si Edgar Allan Villarico, 24, ng 121 Capt. Cruz st., Parada, Valenzuela City ang sinasabing pumatay sa kasintahan nitong si Marilyn Magbuho, 19, estudyante ng Bgy. Pacheco, Tondo, Manila.
Nakonsensiya si Villarico kaya nagpadala ng surrender feeler ang kamag-anak nito sa Bgy. San Nicolas Tayug, Pangasinan kung saan nagtago ang suspek makaraang maganap ang pagpaslang.

Agad namang nagtungo ang grupo ni Acting NBI Director Carlos Caabay sa nasabing lugar upang kunin ang sumukong si Villarico.

Inamin ng suspek ang ginawang pagpaslang, gayunman ay may mga detalye itong inilihim at hindi pa ibinunyag.

Matatandaan na ang suspek ay labis umanong nagselos sa kanyang kasintahan dahil nakikipag-date umano sa iba ang babae. Nauwi sa pagtatalo ang pamumuna nito hanggang sa humantong sa pagpaslang. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BGY

CAPT

DIRECTOR CARLOS CAABAY

EDGAR ALLAN VILLARICO

MARILYN MAGBUHO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN NICOLAS TAYUG

VALENZUELA CITY

VILLARICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with