^

Metro

6 Chinese nagpanggap, naharang sa NAIA

-
Anim na Chinese nationals isa rito ay nagpanggap pang Pilipino at ang lima ay nagkunwang Koreans ang nabuko na nagtataglay ng mga pekeng dokumento matapos mag-check-in sa iba’t ibang departure immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Capt. Rey Bustillo, immigration officer-on-case, ang limang nagpanggap na Korean na sina Eun Jung Han, Jun Euk Park, Oh Shir Kweon, Kyung Mi Kim at Hye Won Kim.

Samantala ang nagpakilalang siya’y isang Pinoy ay nakunan ng passport na may pangalang Noli Alcantara Chua, 29.

Nabigong makuha ang mga Chinese names ng mga suspek dahil sa kawalan ng interpreter.

Ayon kay Bustillo, ang limang nabanggit ay walang arrival entry sa BI computer ng dumating sa bansa. Papunta sana sa Venice ang mga ito at sasakay ng Lufthansa Airlines ng maharang.

Samantala si Chua ay aalis naman patungong US pero hindi makapagsalita ng Tagalog ng kausapin sa immigration hanggang sa mabuking na peke ang Philippine passport nito.

Nakatakdang pabalikin sa kani-kanilang bansa ang mga dayuhan matapos iutos ang deportation sa mga ito. (Ulat ni Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

EUN JUNG HAN

HYE WON KIM

JUN EUK PARK

KYUNG MI KIM

LUFTHANSA AIRLINES

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOLI ALCANTARA CHUA

OH SHIR KWEON

REY BUSTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with