Namatay habang ginagamot sa Martinez Medical Center ang biktima na nakilalang si Jovenor Estoy, may asawa, ng 3153 Bldg. 2, Sawata st., Maypajo, Caloocan City bunga ng isang tama ng bala ng baril sa kaliwang kilikili.
Sugatan sina Brigildo Catanino, 22, ng #16-A Bonifacio st., Malabon at Joseph Lazaro, 21, ng 753-A Interior 46, Raxabago st., Tondo. Si Catanino ay tinamaan sa binti habang si Lazaro ay sa kaliwang bahagi ng katawan nito.
Agad namang naaresto ang nagwalang suspek na si Vincent Bona, 18, pedicab driver, ng #401 Interior 52 Perla st., Tondo.
Sa pagsisiyasat ni SPO2 Eduardo Kho, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw habang kasalukuyang tinatahak ng kanilang sinasakyang jeepney (plakang DJC-894) ang Juan Luna st.
Ilang saglit pa ay natitigan ng isa sa mga pasahero na di nakuha ang pangalan ang suspek na agad nagalit at nakipagtalo na masama ang pagkakatitig sa kanya ng di-binanggit na pasahero.
Agad binunot ni Bona ang kanyang dalang kalibre .38 na baril sa kanyang baywang at pinaputukan ang kanyang nakaaway na pasahero.
Unang tinamaan sa dalawang putok ng baril si Catanino at ang sumunod na mga putok ay tinamaan na sina Lazaro at Estoy.
Nakakulong sa WPD detention cell ang suspek habang inihahanda ang kasong homicide at double frustrated homicide. (Ulat ni Ellen Fernando)