^

Metro

Adik natitigan, namaril sa loob ng jeep: 1 patay, 2 sugatan

-
Dahil sa masamang tingin, isang adik ang nagwala at walang habas na nagpaputok ng baril sa loob ng sinasakyang pampasaherong jeep na sanhi ng pagkasawi ng isang kargador at malubhang pagkasugat ng dalawa pang pasahero sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Martinez Medical Center ang biktima na nakilalang si Jovenor Estoy, may asawa, ng 3153 Bldg. 2, Sawata st., Maypajo, Caloocan City bunga ng isang tama ng bala ng baril sa kaliwang kilikili.

Sugatan sina Brigildo Catanino, 22, ng #16-A Bonifacio st., Malabon at Joseph Lazaro, 21, ng 753-A Interior 46, Raxabago st., Tondo. Si Catanino ay tinamaan sa binti habang si Lazaro ay sa kaliwang bahagi ng katawan nito.

Agad namang naaresto ang nagwalang suspek na si Vincent Bona, 18, pedicab driver, ng #401 Interior 52 Perla st., Tondo.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Eduardo Kho, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw habang kasalukuyang tinatahak ng kanilang sinasakyang jeepney (plakang DJC-894) ang Juan Luna st.

Ilang saglit pa ay natitigan ng isa sa mga pasahero na di nakuha ang pangalan ang suspek na agad nagalit at nakipagtalo na masama ang pagkakatitig sa kanya ng di-binanggit na pasahero.

Agad binunot ni Bona ang kanyang dalang kalibre .38 na baril sa kanyang baywang at pinaputukan ang kanyang nakaaway na pasahero.

Unang tinamaan sa dalawang putok ng baril si Catanino at ang sumunod na mga putok ay tinamaan na sina Lazaro at Estoy.

Nakakulong sa WPD detention cell ang suspek habang inihahanda ang kasong homicide at double frustrated homicide. (Ulat ni Ellen Fernando)

A BONIFACIO

A INTERIOR

BRIGILDO CATANINO

CALOOCAN CITY

EDUARDO KHO

ELLEN FERNANDO

JOSEPH LAZARO

JOVENOR ESTOY

JUAN LUNA

LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with