^

Metro

Sako ng paputok sinindihan ng lighter: Mag-anak natusta

-
Anim katao ang natusta kabilang ang umano’y dalawang pulis na sinasabing nagsindi ng lighter sa sako na naglalaman ng mga paputok na dahilan ng pagkatupok ng isang bahay na nagbebenta nito, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakulong at kasama ng bahay na nilamon ng apoy ang mag-anak na Herminia Rivera, 61, mga anak na Eduardo, 37, at Julieta Rivera, apong si Ron Ron Rivera, 9, pawang residente ng #247 Navarrete st., Bgy. Arkong Bato at ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na pinaghihinalaang mga pulis.

Sa ulat ni C/Insp. Efren Yadao ng Valenzuela fire department, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi bago ang pagsabog ay ilang kapitbahay ng mga biktima ang nakakita sa dalawang lasing na mga lalaki na hinihinalang mga pulis na pumasok sa bahay ng pamilya Rivera na isang residential compound upang umano’y humingi ng ipinagbibiling paputok.

Hindi nagbigay ang matandang Rivera at nagalit ang dalawa. Isa sa mga ito na may hawak na lighter ang sinindihan ang isang sako na naglalaman ng mga paputok dahilan para sumiklab ito at sumabog na lumikha ng sunog.

Maaari umanong nananakot lamang ang dalawang lalaki sa matandang Rivera pero hindi akalain ng mga ito na pati sila ay madadamay.

Nabatid na 30 taon na umanong gumagawa ng paputok ang kanilang pamilya at ito’y pinamamahalaan ni Aling Herminia. Ito lang umano ang negosyong ikinabubuhay ng pamilya Rivera. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALING HERMINIA

ARKONG BATO

EFREN YADAO

GEMMA AMARGO

HERMINIA RIVERA

JULIETA RIVERA

RIVERA

RON RON RIVERA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with