^

Metro

Lolo todas sa CR ng Jollibee

-
Hindi na nakapag-almusal sa paborito nitong foodchain ang isang 71-anyos na lolo matapos itong atakihin sa puso habang nasa comfort room ng Jollibee, sa Makati City kahapon ng umaga.

Di na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati si Carlos Gerio, may asawa, retiradong sundalo ng Army at nakatira sa #183-C 25th Ave., Bgy. East Rembo nasabing lungsod.

Ayon kay SPO1 Lewelle Cristobal, ng Criminal Investigation Division (CID) ng Makati police, dakong alas-9:30 kahapon ng umaga ay katatapos lamang mag-withdraw ng kanyang pensiyon ang biktima ng maisipan nitong mag-almusal muna sa Jollibee sa P. Burgos st. kanto ng Edsa Ave. sa Bgy. Guadalupe Nuevo.

Bago kumain ang biktima ay nagtungo muna ito sa CR na nasa second floor, ng bigla na lamang makita ng ilang kostumer na nangingisay at bumubula ang bibig.

Agad itong isinugod sa ospital pero namatay din. Ayon sa mga doktor, atake sa puso ang ikinamatay nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BGY

CARLOS GERIO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EAST REMBO

EDSA AVE

GUADALUPE NUEVO

JOLLIBEE

LEWELLE CRISTOBAL

LORDETH BONILLA

MAKATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with